Dumating na sa bansa ang karagdagang 455,130 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno para sa pagbabakuna sa adult population.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Consultant Dr. Maria Paz Corralez, nasa mahigit 3M ang nabakunahan sa ikatlong round ng national vaccination malayo sa 55.5M% na target.
Nasa 65% na rin ng mga batang dose hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan at ngayo’y mayroon nang naturukan ng second dose.
Samantala, iniulat ni corrales na pumalo na sa 263K doses ang na-administer ng pamahalaan para sa edad 5 hanggang 11. – sa panulat ni Abigail Malanday