Nakapagtala ang Commission on Elections ng kabuuang 487,628 na mga new registered voters, at mahigit sa kalahati nito ang nasa edad 15 hanggang 17, na nakatakda nang bumoto sa para sa Sangguniang Kabataan (SK) election sa Disyembre a-5.
Base sa Nationwide consolidated total ng Comelec as of July 8, 2022, nasa 302,040 sa mga new voters ang 15 to 17 years old; 157,925 ang 18 to 30 year-olds; 27,663 ang 31 year-olds at 27,553 ang mahigit 32-taong gulang.
Iniulat din ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na mayroon din silang naiproseso na mga applications for transfer na aabot sa 661,919.
Sinimulan ng Komisyon ang voter registration noong July 4 at magtatagal hanggang sa July 23, 2022 mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na alas 8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.