Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,621 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, dahilan para umakyat na sa 3,803,955 ang total nationwide caseload.
Ito na ang ika-apat na sunod na araw na nakapagtala ang kagawaran ng mahigit 4,000 bagong kaso ng nakahahawang sakit.
Batay pa sa pinakahuling datos ng DOH, sumampa na sa 37,805 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Pumalo naman sa 3,705,343 ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit habang nadagdagan ng 18 ang nasawi dahil sa COVID-19 kaya’t umabot na sa 60,807 ang death toll.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na may 15,580;
Sinundan ng CALABARZON na may 10,125 at Central Luzon na may 5,109.