Sumaklolo na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 4,000 manggagawang nawalan ng trabaho sa Mactan Economic Zone (MEZ) sa Cebu.
Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, aabot sa 2,000 hanggang 5,000 pesos na ang ipinamamahagi nilang financial at food assistance sa mga apektadong manggagawa.
Aminado si Tanjusay na marami ang nasabing bilang kung ikukumpara sa nakaraang mga taon at ngayon lamang nangyari na ganito karaming manggagawa ang na-retrench sa isang economic zone.
Kinumpirma naman ni Philippine Economic Zone Authority Director General Theo Panga na ang pagbagal ng global trade at humihinang global economy ang dahilan nang retrenchement sa iba pang economic zone.
Gayunman, nilinaw ni Panga na sa isang kumpanya lamang nagkaroon ng tanggalan sa trabaho at hindi sa buong eco-zone.