Nakapagtala ang Brazil ng 4,249 na nasawi dahil sa COVID-19 sa isang araw.
Ayon sa Centers for Disease Control And Prevention (CDC), higit itong mataas kumpara sa naitalang COVID-19 related deaths sa isang araw noon ng Estados Unidos na 4,405.
Sinasabing tumataas ang bilang ng nasasawi sa Brazil dahil sa napupuno na ang mga ospital at nagkukulang na rin ang mga medical supplies dahilan para hindi matugunan ang lahat ng nangangailangan ng atensyong medikal na COVID-19 patient.
Batay sa ANAHP survey, tatlo sa apat na pribadong ospital sa naturang bansa ang nagsasabing mayroon na lamang silang pang hanggang isang linggong suplay para sa paggagamot sa pasyenteng may COVID, gaya ito ng oxygen, anesthesia at essential drugs para sa intubation.