Sumampa na sa 16,755 hectares ng kagubatan ang tinupok na ng apoy sa Uljin, South Korea.
Umabot na rin sa apat na araw ang nagaganap na sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na sanhi ng malakas na hangin sa naturang bansa kung saan na sa 7,355 katao o 4,659 na pamilya na ang inilikas mula noong linggo.
Wala namang casualty ang naitala ngunit mayroong 512 facilities at 343 na kabahayan ang nasira.
Nagtutulungan sa ngayon ang 18K fire fighters at gumamit na rin ng 95 helicopters at 781 fire vehicles para maapula ang apoy.
Idineklara naman ng pamahalaan ng South Korea bilang special disaster zone ang nasabing lugar at nangako ang pangulo nito na tutulungan ang mga naapektuhang mamamayan.