Inaprubahan na ng Social Security System (SSS) ang mahigit 4,000 unemployment benefit applications.
Ayon kay SSS president at CEO Aurora Ignacio mula June 22 hanggang July 6 ay nakapagpalabas na sila ng halos P60-million na unemployment benefits sa 4,400 qualified members na nagsumite ng kanilang application online sa pamamagitan ng mySSS accounts.
Inaasahan aniya nilang madadagdagan pa ito dahil may mga kumpanya pang nag a anunsyo ng retrenchment at pagsasara ng kanilang mga negosyo dahil sa pandemic crisis.
Ipinabatid ng SSS na pinakamalaking bilang ng online applicants ay mula sa Luzon o nasa 1, 697 na sinundan ng National Capital Region – 972, Visayas – 894 at Mindanao – 822.