Pumalo sa 5.6M ang nagpatala sa unang tatlong araw ng enrollment period para sa School Year 2022-2023.
Ayon kay Education Spokesperson Attorney Michael Poa, kumpyansa ang kagawaran na makakamit nila ang 28.6M enrollees para sa nabanggit na survey.
Dagdag pa niya na puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda para sa darating na pagbubukas ng klase sa August 22.
Samantala, plano ng DepEd na bawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng classroom upang masunod ang physical distancing.