Bumaba ng mahigit sa 50% ang insidente ng malalaking krimen sa bansa mula nang ipatupad ang community quarantine.
Sa report ng Joint Task Force COVID-19 kay PNP Chief, General Archie Gamboa, nakasaad na 57% ang ibinaba ng krimen sa mula March 16 hanggang nitong June 8.
Sa datos ng task force, umabot na lamang sa mahigit 5,000 ang naitalang insidente sa walong focus crimes mula March 17 hanggang June 8 mula sa dating mahigit sa 13,000 noong December 24, 2019 hanggang March 16, 2020 .
Ang mag tinutukoy na focus crimes ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnap mc at carnap mv.
Nakasaad rin sa report ng task force na umabot sa halos 200,000 ang kanilang naaresto dahil sa paglabag sa quarantine.