Dumulog sa tanggapan ng Kampo Krame ang nasa mahigit limampung (50) biktima ng Bitcoin online investment scam.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa tinatayang aabot sa siyamnaraang (900) milyong piso ang nakuha sa mga biktima at inaasahan pang aakyat ito sa oras na lumutang pa ang ibang mga biktima.
Pinangakuan umano ang mga investor na madodoble ang kanilang ipinasok na pera sa loob lamang ng labing anim (16) na araw.
Hanggang sa hindi nagparamdam pa ang mga suspek sa mga downline nito.
Magugunitang noong Abril 4 ay naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang sina Arnel Ordonio 27-anyos at Leonady Ordonio na nakarehistrong may-ari ng NewG company.
Mahaharap sa syndicated estafa ang naturang mga suspek.
TINGNAN: Arnel Ordonio at asawang si Leonady, may-ari ng NewG investment company na nakapangloko umano ng higit 50 katao gamit ang Bitcoin, iniharap ni PNP chief Dela Rosa @dwiz882 pic.twitter.com/anBFwV9gQz
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 10, 2018
(Ulat ni Jonathan Andal)