Pinagpapaliwanag ng DILG o Department of Interior and Local Government ang mahigit sa 50 barangay at sangguniang kabataan officials hinggil sa reklamong nangangampanya sila para sa mga kandidato sa eleksyon.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, napadalhan na niya ng show cause order ang mga inireklamong barangay at SK officials.
Sinabi ni Diño na nais muna niyang marinig ang paliwanag ng mga opisyal bilang bahagi ng due process.
Sakali anyang may makita siyang sapat na basehan ay ididiretso na niya ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Una nang ini-endorso ni DILG Undersecretary Epimaco Densing ang reklamo ng mga mamamayan laban sa mahigit 50 barangay at SK officials sa Commission on Elections para sa kaukulang imbestigasyon.