Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Eastern Visayas ng 53 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Mayo 29.
Sa nasabing bilang, 22 ay naitala mula sa Leyte; 10 mula sa Samar; tig-7 sa Southern Leyte at Eastern Samar; 7 mula sa Southern Leyte; 5 sa Northern Samar; at 2 mula sa Biliran.
Ayon kay Jelyn Malibago, Regional Information Officer ng DOH, walo ang nasawi sa sakit, kung saan tatlo ang naitala sa Leyte, tig-dalawa sa Southern Leyte at Samar; at isa mula sa Eastern Samar.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Malibago ang publiko na huwag lumusong sa baha upang hindi makakuha ng mga bacteria mula sa ihi ng hayop tulad ng daga.