Patay ang 55 katao sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan at India bunsod ng malakas na monsoon rains.
Ayon sa ulat, 30 sa mga nasawi ay mula sa Chitral District ng Pakistan kung saan marami din sa mga kabahayan at mosque o masjid ang nasira.
Samantala, 25 naman ang nasawi sa flashflood at landslides sa mga estado ng Uttarakhand at Arunachal Pradesh sa India.
Taun-taon, tinatayang nasa 100 katao ang nasasawi sa katimugang bahagi ng Asya bunsod ng mga pag-ulang dala ng habagat.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP