Papalo sa mahigit 50 katao ang patay sa nangyaring stampede sa religious festival sa Ethiopia.
Ayon sa ulat, ang stampede ay resulta ng ginawang pag-tear gas ng pulisya sa mga militanteng nagprotesta at sumabay sa naturang pagdiriwang.
Naniniwala naman ang opposition groups na posibleng umabot sa 100 ang patay lalo’t libu-libo katao ang nagtungo sa sagradong lawa ng Irreecha para sa seremonya ng pasasalamat sa pagtatapos ng panahon ng tag-ulan doon.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring karahasan.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters