Mahigit 50% ng COVID-19 cases sa Davao City ay nagmula sa working place o mga trabaho.
Ipinabatid ito ni angel sumagaysay, pinuno ng public safety and security commander center ng Davao City matapos ihayag na mahigit apat na raang kabahayan at mga gusali sa lungsod ang isinailalim sa lockdown sa linggong ito lamang dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay sumagaysay nadala ng mga empleyado sa pag-uwi sa kani kanilang mga pamilya ang virus kaya’t patuloy ang hawahan at pagtaas ng kaso ng virus sa Davao City.
Samantala 12 empleyado ng Davao City hall ang nag positibo sa COVID-19 kayat tatlong departamento nito ang nasa granular lockdown na.