Ibinunyag ng Department of Justice na mahigit kalahati ng mga nasa pangangalaga ng kanilang witness protection program ay biktima ng incest o panghahalay ng kapamilya.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, nangangahulugan ito ng napakalaking pagtaas sa kaso ng sexual exploitation of minors and children, mapalalaki man o mapababae.
Kaugnay nito, isinulong na ng departamento ang pagbabawal sa recantation o pagbawi ng mga testimonya sa oras na maihain na ang kaso, upang matiyak na tuloy-tuloy ang prosekusyon.
Samantala, hinikayat naman ng ahensya ang Department of Interior and Local Government at department of Social Welfare and Development na maging mas aktibo pa sa pagprotekta at pagtulong sa mga biktima ng incest at iba pang uri ng sexual arrest. – Sa panulat ni Kat Gonzales