Mahigit kalahating porsyento ng registered voters sa bansa ay mga kababaihan.
Ito, ayon sa Philippine Commission on Women (PCW), kung saan batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), 11% ng rehistradong botante para sa 2022 National at Local Elections ay mga babae habang 49% naman ay mga lalaki.
Sa nasabing bilang, mahigit 33.6 million ay female domestic voters habang mahigit 32 million naman ang male domestic voters.
Mas malaki rin ang bilang ng female overseas voters na nasa 1,072,159 kumpara sa 625,056 na male overseas voters.
Hinikayat naman ng PCW ang mga rehistradong kababaihan na lumahok sa 2022 Elections.