Umabot sa 57.5% ang boto sa isinagawang poll ni twitter CEO Elon Musk.
Ipinapakita sa resulta na ito na marami ang pabor na bumaba siya sa pwesto.
Nabatid na nagpost sa twitter ang CEO noong December 19, 2022 at inilagay nito ang na tanong sa poll na kung dapat ba siyang magbitiw sa pwesto at marahan niya aniyang susundin ang kalalabasan nito.
Samantala, nasa 42.5 % naman ang bumoto ng “No’ sa naturang poll.