Patay sa karahasan ang mahigit 50 indibididwal sa Northwest Nigeria.
Ayon sa mga otoridad, dose-dosenang mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo ang dumating sa lugar at tinakot ang mga residente.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, 200 katao din ang nasawi sa karahasan dahil sa mga rebelde.
Noong nakaraang taon naman, libo-libong indibidwal ang napilitang tumakas partikular na sa mga kabataan dahil sa ginawang pagkidnap ng mga terorista para hingan umano ng ransom.—sa panulat ni Angelica Doctolero