Terorismo ang pangunahing anggulong tinitignan ng mga awtoridad sa naganap na mass shooting sa Pulse Gay Night Club sa Orlando, Florida.
Ayon kay Orlando Police Chief John Mina, organisado at pinaghandaan ng suspek ang pamamaril na may dalang assault-type na baril, handgun at iba pang armas.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Omar Saddiqui Mateen.
Pumalo na sa higit 50 ang patay sa insidente habang 53 ang sugatan na isinugod na sa pagamutan.
Sinabi naman ni Danny Banks, special agent ng Florida Department of Law Enforcement’s Orlando Bureau, 9 na police officers ang involve sa shootout kung saan, isang opisyal ang nagtamo ng eye injury matapos tamaan ng bala ng baril ang kanyang kevlar helmet.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang iba pang anggulo sa naturang insidente.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters