Sa ikalawang sunod na buwan, muling tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o MERALCO para sa buwan ng Abril.
Batay sa abiso ng MERALCO, aabot sa 0.54 centavos ang naka-ambang umento kada kilowatt hour para sa billing ngayong buwan.
Katumbas ito ng 107 pisong dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatthour habang 268 piso naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatthour.
Ayon sa MERALCO, ang panibagong taas singil sa kuryente ay bunsod ng mahal na generation charge dahil na rin sa mataas na bentahan ng kuryente sa Wholsale Electricity Spot Market (WES-M).
Nakadagdag din dito ayon sa MERALCO ang paggamit ng fuel ng mga planta ng kuryente gayundin ang patuloy na paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.