Mahigit 50 silid-aralan sa tatlong paaralan sa Muntinlupa City ang hindi na maaaring gamitin matapos madiskubreng nasa ibabaw mismo ng West Valley Fault ang mga ito.
Ayon kay Dr. Mauro de Gulan, DepEd Schools Division Supt. ng Muntinlupa, posibleng i-demolish ng kagawaran at City Engineering Office ang ilang eskwelahan kung kinakailangan.
Dalawampu’t dalawa, aniya, sa mga classrooms ay matatagpuan sa Pedro Diaz National High School, 22 sa Buli Elementary School, at walo sa Alabang Elementary School.
Inanunsyo naman ng DepEd na sa Hunyo 8 pa magbubukas ang klase sa Buli Elementary School upang hatiin muna ang bilang ng classrooms sa dalawa nang sa gayo’y ma-accommodate ang nasa 2,000 enrollees.
By Drew Nacino