Nasagip ng mga awtoridad sa Albania ang 55 Syrian refugees.
Ayon sa ulat, na-stranded ng ilang oras sa Adriatic Sea ang mga refugees na lulan ng isang inflatable boat habang patungong Italya ang mga ito.
Dadalhin sa isang migrant center ang mga biktima habang tinutugis naman ang mga traffickers na umano’y binayaran nila ng 2,000 euros bawat isa.