Ipinasara ng US Justice Department ang 55 website dahil sa ilegal na pag-livestream ng mga laban mula sa FIFA World Cup sa Qatar.
Ayon sa pahayag ng departamento, natukoy ng isang kinatawan ng FIFA ang mga site na ginamit sa pagbabahagi ng copyright-infringing content nang walang authorization mula sa soccer world governing body.
Nabatid na tanging ang FIFA ang may hawak ng exclusive rights para sa world cup.