Nasa mahigit 500 dolphins ang nakita sa karagatan ng Numancia, Aklan kamakailan.
Sinabi ng Agricultural Technologist sa Numancia, unang nakita ang mga dolphin sa lugar noong 2005.
Maliban dito, maraming dolphin din ang nakita na patuloy na gumagala sa naturang lugar nuong kasagsagan pa ng pandemya.
Ipinabatid pa ng agricultural technologist, mas pinipili ng mga dolphins na pumunta sa mga lugar na tahimik, malinis, at may masaganang suplay ng pagkain.