Mahigit 500 katao ang nagsilikas sa Barangay Napnapon, Palembang, Sultan Kudarat.
Kasunod na rin ito ng tensyon dahil sa presensya ng mga sundalong marines sa lugar.
Kinumpirma ni Zahara Maulana, Municipal Administrator na hindi pinayagan ng grupo ni kumander binago ng MILF ang mga sundalo na maghahatid sa mahigit 100 residente pabalik sa nasabing lugar.
Sinabi ni Maulana na nagsumbong na sila sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities para matigil na ang aniya’y paghahari harian ng grupo ni binago dahil residential ang kanilang lugar.
By: Judith Larino