Papalo na sa mahigit limandaan (500) katao ang patay sa pagbahang dulot ng walang humpay na pag-ulang dala habagat sa India.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa labing pitong (17) milyon katao na ang apektado ng pagbaha.
Dumadaing naman ngayon ang mga taga – India ng pagkain at malinis na tubig.
Ito na ang pinakamalubhang monsoon season na tumama sa India.