Patuloy na pinaiigting ni Senador Richard Gordon ang pangangailangan sa pagpapatupad ng motorcycle crime prevention law o tinaguriang doble plaka law ng mga motorista.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) chairman at may-akda rin ng naturang batas na si Gordon, sa loob lamang ng nakalipas na halos tatlong buwan ay mahigit 500 na ang motor-related accidents na nirespondihan ng PRC.
Mabigat na dahilan aniya ito para paigtingin ang batas sa paggamit ng motorsiklo.
Dapat din aniyang tandaan ng mga ahensya ng gobyerno na bubuo ng implementing rules and regulation ng batas ang pangunahing layunin nito na maiwasan ang mga riding-in-tandem killings at iba pang krimen na sangkot ang mga motorcycle riders.