Nagsagawa na ng limited face-to-face classes ang mahigit 500 paaralan sa Central Visayas.
Ayon kay Salustiano Jimenez, regional director ng Department of Education Region 7, kahapon muling naibalik ang limited face-to-face classes sa 108 paaralan sa Cebu at 20 sa lungsod ng BA-IS sa lalawigan ng Negros Oriental.
Mayorya rito ay pampublikong paaralan at 15 ang mga pribadong paaralan.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng DepEd-7 ng validation at inspeksyon sa mga paaralan para makita ang kahandaan sa pagsasagawa muli ng physical classes.
Base sa datos ng DepEd-7, nasa 300 paaralan ang nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa lalawigan ng Cebu at nasa 180 sa lalawigan ng Negros Oriental.—sa panulat ni Abby Malanday