Aabot sa mahigit 500 sasakyan ang naimpound dahil sa iba’t-ibang uri ng paglabag sa pangunahing kalsada.
Ayon sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), sa loob lamang ng isang linggong operasyon mula noong December 2 hanggang December 8, 2022, 422 ang nahilang motorsiklo habang 81 naman ang bilang ng mga kotse.
Sa pahayag ni HPG Director Police BGen. Clifford Gairanod, naticketan ang 18,404 na mga motorista dahil sa paglabag sa batas trapiko kabilang na ang illegal horn at siren, pagkakaroon ng blinker, modified muffler at mga sasakyan na gumagamit ng logo ng PNP.
Bukod pa dito, nasa labing pitong indibidwal naman ang naaresto matapos masangkot sa carnapping.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga otoridad, laban sa mga violator sa mga pangunahing kalsada.