Mahigit 500 volunteers ng task force Daloy Trapiko, na grupo ng mga motorcycle at bicycle riders na inatasang tumulong sa pag-aayos ng traffic situation nagtapos sa serye ng seminars ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT.
Sumailalim sa Tatlong araw na seminar ang unang batch na binubuo ng 186 volunteers habang ang ikalawang batch na binubuo ng 400 volunteers ay sumailalim sa isang buong araw na seminar.
Gayunman, nilinaw ng Department of Transportation na walang bayad ang serbisyo ng mga volunteer maliban sa mga mag-o-operate sa Maynila at hindi otorisadong manghuli ng mga traffic violator.
Sa graduation ceremony ng mga voluteer sa Quezon City, kahapon inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na umaasa siya na mababawasan ang pagsisikip ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila sa tulong ng mga volunteer.
By: Drew Nacino