Mahigit 500 volunteers mula sa Philippine College of Criminology o PCCR ang nakilahok sa isinagawang coastal cleanup sa Baseco Beach sa Port Area, Maynila.
Ito’y bilang suporta sa “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” program ng administrasyong Marcos.
Ayon kay PCCR Community Extension and Services chief Vincent Jerome Agustin, kabilang sa mga nilinis nila ang mga kalsada, kanal, pamilihan at paaralan.
Sinabi ni Agustin na bahagi ito ng pakikiisa nila sa hangarin ng pamahalaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang kagandahan at sigla ng Manila Bay.
Nagpasalamat naman ang PCCR sa suporta ng mga opisyal ng Philippine Reclamation Authority o PRA, kasama si Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga opisyal ng Barangay 649.