Sumampa na sa mahigit 5,000 bata ang namamatay habang nasa 400,000 iba pa ang “severely malnourished” sa gitna ng halos tatlong taong civil war sa Yemen.
Ayon sa United Nations Children’s Fund o UNICEF, ang nasabing bilang ng fatality ay katumbas ng limang bata kada araw ang napapatay sa digmaan simula noong Marso 2015.
Nasa dalawang milyong batang Yemeni naman ang hindi na nakapag-aaral kung saan 200,000 sa mga ito ay hindi na nakapapasok sa paaralan nang sumiklab ang digmaan.
Dahil dito, nananawagan na ang UNICEF sa Saudi Arabia na itigil na ang economic blockade o pagpigil sa mga pangunahing produkto partikular ang pagkain na pumasok sa Yemen na maaaring magresulta sa matinding taggutom o famine.
Aabot na sa 10,000 katao ang namamatay at mahigit tatlong milyon na ang apektado ng digmaan sa pagitan ng Saudi-Coalition Forces at Yemeni Houthi Rebels.
—-