Nangangamba ang mahigit 5,000 empleyado ng kumpanyang Philweb Corporation na mawalan ng trabaho.
Ito’y makaraang tumigil na ang operasyon ng humigit kumulang 200 sangay ng online casino na e-games.
Magugunitang hindi na ni-renew ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang lisensya ng Philweb para mag-operate.
Ang Philweb ay pagmamay-ari ng dating Trade Minister at negosyanteng si Roberto Bobby Ongpin na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga oligarch sa bansa na kanyang bubuwagin.
By: Jaymark Dagala