Mahigit 5000 Overseas Filipino Workers mula sa Saudi Arabia ang nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, ang mga uuwing OFW’S ay nag-avail ng 90-day amnesty program ng Saudi Arabia na matatapos sa Hunyo 29.
Sinabi ni Cacdac na 1000 OFWS ang unang batch na makakauwi ng Pilipinas habang 2000 pa ang inaasahang makatatanggap ng exit visa.
Mayroon aniyang tsansang pumili ang mga OFW ng livelihood programs sa negosyo o trabaho sa pamamagitan ng Comprehensive Assistance Program ng administrasyong Duterte.
Maliban dito, makatatanggap rin sila ng livelihood starter kit na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P20,000 sa ilalim ng “Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay” program ng National Reintegration Center.
By: Meann Tanbio