Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DWSD) kaugnay sa Bagyong Paeng.
Ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay, naka-preposition na ang 561,259 food packs na nagkakahalagang P352 – M
Aabot din aniya sa P 689 – M ang iba pang food and non-food items na inihanda ng ahensya.
Sa datos ng pagasa kaninang umaga, lumakas pa ang Bagyong Paeng habang kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea.