Nakapagtala ng 550,000 mga Overseas Filipino Workers ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa tala ng DOLE, 370,000 sa mga displaced OFW’s ay pinauwi na sa kani-kanilang probinsya.
Habang ang nasa 126,000 naman ay naghihintay makauwi sa kani-kanilang bahay.
Samantala, nagbibigay ng tulong pinansyal ang DOLE na nagkakahalagang P10,000 o $200 sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program para sa mga OFW na apektado ng pandemya.
Nasa 3.8 na milyong mga manggagawa sa bansa naman ang naitalang apektado ng pandemya.