Nasabat ang tinatayang nagkakahalagang 528,000 pesos na shabu sa magkahiwalay na anti-drug operation na isinagawa sa Makati at Taguig.
Nakuha sa suspek na kinilalang si Kathleen Pascua ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng nasa 11.67 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P79,356.00, sa Makati.
Nakumpiska naman ang anim na plastic sachet na may lamang 66 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P448,800 sa mga suspek na sina John Michael Ballado, Danilo Montay, Delvis Dequillo at Allan Gamboa sa Taguig City.
Nasabat din ng mga otoridad ang, dalawang kalibre .45 baril, pitong bala, at ang 500 pesos marked money na ginamit sa buy bust.
Kasalukuyan naman naka-detain ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle