Sinunog ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit 500 Milyong Pisong halaga ng ibat’ibang klase ng illegal na droga sa Malabon City.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino , sinira nila ang mga nakumpiska nilang kilo – kilong shabu , cocaine , ectasy , marijuana at iba pa sa pamamagitan ng ‘thermal decomposition’
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagkaroon ng ‘mass destruction’ sa mga nasabat na droga sa ilalim ng pamumuno ni Dir. Aquino.
Samantala, sinabi ni Aquino na asahan na ang mas pinaigting na anti-drug campaign sa mga susunod na araw dahil sa pagbabalik ng Oplan Tokhang ng PNP.