Umabot na sa mahigit 50,000 dating contractual employees ang naging regular na sa kanilang mga trabaho.
Ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello lll na karamihan dito ay dahil sa boluntaryong kooperasyon ng mga negosyante.
Tiniyak ni Bello na patuloy nilang babantayan ang mga kumpanyang hindi sumusunod sa batas sa paggawa tulad ng isang malaking kumpanya ng telekomunikasyon na may halos sampung libong (10,000) contractual employees.
Kasabay nito, nanawagan si Bello sa mga employers na ibahagi sa kanilang mga manggagawa ang kanilang pag asenso.
“Kapag merong magandang pagsasama yan tiyak na uunlad yung negosyo at kapag umuunlad yung negosyo, uunlad bawat, dapat uunlad pareho. Hindi lamang ang employer kundi ang manggagawa dahil kung walang manggagawa, walang negosyo, walang gagalaw na negosyo at kung wala naming employer, wala naming sinasabing negosyo”, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello lll sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Balitang Lakas (Interview)