Mahigit 50,000 mga batang edad lima hanggang labing isa ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang araw ng nationwide rollout para sa nasabing age group.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa nasabing bilang ay walo ang naiulat na nakaranas ng adverse effects matapos mabakunahan.
Aniya, kabilang sa mga naranasan ng mga ito ang extremities, pangangati ng lalamunan, pagsusuka, at pananakit sa parte ng tinurukan na may kasamang panlalamig.
Pinayuhan naman ng opisyal ang mga magulang na i-report sa mga doktor sakaling makaranas ng andverse effects ang kanilang mga anak.
Samantala, sinabi pa ni Cabotaje na inaasahan ng pamahalaan ngayong buwan ang pagdating ng lima hanggang anim na milyong COVID-19 vaccine doses para sa mga bata.