Magde-deploy ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mahigit 50,000 police at fire personnel para sa national vaccine rollout na kabibilangan ng A4 category sa susunod na buwan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mahalaga ang presensya ng mga tauhan ng Phil. National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa kaayusan at seguridad sa mga vaccination sites.
Aminado si Año na malaking hamon sa gobyerno ang malawakang COVID-19 vaccination pero tiniyak niyang magiging maayos ito sa tulong ng mga nasa hanay ng uniformed services.
Gayunman, nilinaw din ng DILG chief na ang deployment ng mga police at fire personnel ay hindi lamang para sa pagpapanatili ng minimum public health standards kundi magsisilbi ring vaccinators ang ilan sa mga ito sa mga vaccination centers.