Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Dutere ang paggamit ng lahat ng 525, 600 na bakuna kontra COVID-19 ng AstraZeneca bilang first dose para sa mga frontline worker.
Batay sa memorandum mula sa office of the executive secretary, iniaatas ang paggamit ng lahat ng AstraZeneca bilang unang dosage.
Ang naturang bakuna ay nakuha ng Pilipinas bilang donasyon mula sa Covax facility.
Una rito, inirekomenda ni Health Sec. Francisco Duque III na gamitin na ang 525, 600 na AstraZeneca dahil tiniyak naman aniya ng World Health Organization ang pagdating ng iba pang suplay ng naturang bakuna.