Umarangkada na ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa Social Service Department, tinatayang mahigit 53,000 mahihirap na pamilya sa lingsod ang makatatanggap ng tig P8,000 ayuda.
Ihahatid anila ng mga tauhan ng DSWD at SSD sa bahay ng mga benepisyaryo mula sa siyam na barangay ang tulong mula sa pamahalaan.
Una nang nabigyan ng tig P8,000 ayuda ang nasa 880 mahihirap na pamilya sa barangay buli noong Abril 19.