Aabot sa mahigit 53,000 na mga indibidwal ang napilitang lumikas matapos ang malakas na pagyanig na tumama sa Abra.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa naturang mga indibidwal ang nananatili sa labas ng mga evacuation center habang 1,310 katao ang nanunuluyan ngayon sa dalawampung evacuation centers.
Mahigit 500,000 indibidwal o katumbas ng 136,000 na mga pamilya ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa 11 na probinsya sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region.
Nananatili naman sa 11 ang bilang ng nasawi dahil sa lindol habang 574 ang napaulat na nasugatan.
Sinabi pa ng NDRRMC na sumampa na sa 1.593 billion pesos ang halaga ng pinsalang idinulot ng malakas na pagyanig sa imprastraktura at tinatayang nasa 55.9 million pesos na ang halaga ng pinsala sa Agrikultura.