Mahigit 55,000 pasahero na ang nasebisyuhan ng mga Point-To-Point Bus na idineploy ng Department of Transportation upang magsilbing alternatibong mode of transportation sa Metro Rail Transit Line 3.
Sa datos ng D.O.T.R. hanggang kahapon, 750 bus ang bumiyahe ng 1,009 na beses simula nang ilarga ang MRT-3 Bus Augmentation Project noong Pebrero 01.
Dalawa ang biyahe ng mga P2P Bus kung saan isa morning rush hour at isa sa afternoon rush hour.
Kabilang sa pick-up point ng mga bus ang Taft Avenue, Ayala Avenue at drop-off points sa Shaw, Cubao at North Avenue Stations.
Posted by: Robert Eugenio