Mahigit 57,000 pulis at sundalo ang ipakakalat sa Metro Manila at Pampanga, bilang paghahanda sa hosting ng bansa sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit, sa November 10 hanggang 14.
Isang send-off ceremony para sa mga sundalo at pulis na nakatutok sa pagbibigay seguridad sa mga dadalong world leaders ang isasagawa sa Quirino Grandstand, Maynila, alas-6:00 ng umaga sa Linggo.
Dahil dito, isasara pansamantala ang ilang kalsada gaya ng Independence Road mula Katigbak Drive hanggang South Drive.
Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan din ang iba pang kalye partikular ang mga nasa paligid ng Quirino Grandstand bunsod ng ipatutupad na rerouting scheme sa Bonifacio Drive; Padre Burgos Avenue at TM Kalaw Avenue.