Nagsagawa ng sabayang pamamahagi ng pagkain ang philippine Red Cross (PRC) para sa mga mayroong kapansanan o persons with disability (PWDs) sa buong bansa.
Ayon kay PRC chairman at Sen. Richard Gordon, layon nito na maisama sa mabibigyan ng ayuda ng PRC ang mga may kapansanan bilang isa sa mga sektor na labis na apektado ng COVID-19 pandemic.
Kasunod nito, sinabi ni Gordon na dahil sa ginawa nilang programa, aabot sa 5,800 mga PWDs ang nakatanggap ng food assistance mula sa kanila.
Katuwang ng PRC ang samahan ng mga PWD sa bansa kung saan kinuha ang mga benepisyaryo para sa nasabing programa.