Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaang tumulong sa mga mamamayan lalo na sa mga panahong ito ng matinding pangangailangan.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos matapos magpadala sila ng 5,837 na mga tauhan bilang Reactionary Standby Force para umalalay sa Relief, Search and Rescue operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay Carlos, mula sa 142 rescue operations na kanilang ikinasa ay nakapagligtas sila ng may 1,263 indibidwal bukod pa sa 808 nilang mga tauhan na nakabantay naman sa mga evacuation center.
Maliban dito, tinututukan din ng PNP ang peace and order lalo pa’t may mga ulat hinggil sa kakulangan ng mga basic needs tulad ng pagkain, tubig, gasolina at iba pa sa mga sinalanta ng bagyo. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)