Pumalo na ng 6.6-M indibidwal ang nawalan ng trabaho sa Estados Unidos dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay sa report, ang naturang bilang ay naitala dahil sa nagpapatuloy na pagtanggal ng mga negosyante sa kanilang mga empleyado dahil sa epekto ng ipanatutupad na lockdown.
Ito na ang itinuturing na pinakamataas na record ng mga manggagawa sa Estados Unidos na naghain ng kanilang unemployment benefits.
Ikinalungkot naman ng mga ekonomista ang datos at hinalintulad ito sa larawan ng kalamidad.
Sa panulat ni Ace Cruz.